Mga Pinay, isa sa top viewers ng Pornhub; Pilipinas pasok sa top 3
Margret Dianne Fermin Ipinost noong 2025-12-16 16:29:01
December 16, 2025 — Kinilala ang Pilipinas bilang ikatlong pinakamataas na bansa sa buong mundo sa site traffic ng Pornhub ngayong 2025, ayon sa taunang Year in Review ng naturang adult platform. Lumabas din sa ulat na Filipinas ang bumubuo ng mayorya ng mga manonood, na umaabot sa 64% ng kabuuang traffic mula sa bansa.
Ayon sa ulat ng Cosmopolitan Philippines na sumangguni sa Pornhub data, “The girlies carried the majority of the stats again, making up 64% of all Philippine traffic, a +5% jump from last year.” Ibig sabihin, mas dumami pa ang kababaihang Pilipina na gumagamit ng naturang site kumpara noong 2024.
Sa global ranking, nanatiling nangunguna ang United States bilang may pinakamataas na traffic, sinundan ng Mexico, at pagkatapos ay ang Pilipinas. Ang datos ay nagpapakita ng patuloy na paglaki ng online engagement ng mga Pilipino sa adult platforms, na mas mataas pa ang average time spent per visit kumpara sa global average.
Bukod sa gender breakdown, nanatiling mobile phones ang pangunahing gamit ng mga Pilipino sa pag-access ng site, bagama’t bumaba ng 1% ang usage kumpara sa nakaraang taon. Sa kabila nito, nananatiling mas mataas ang oras na ginugugol ng mga Pilipino sa panonood kaysa sa ibang bansa.
Binanggit ng Pornhub na ang kanilang Year in Review ay nagsisilbing “neutral window into contemporary sexual behavior,” na naglalarawan ng mga pagbabago sa interes at identidad sa iba’t ibang bansa. Para sa Pilipinas, malinaw na ang kababaihan ang mas aktibong gumagamit ng platform, na naiiba sa trend sa ibang bansa kung saan kalalakihan ang bumubuo ng mas malaking porsyento ng audience.
Ang pagkakasama ng Pilipinas sa top three ng Pornhub traffic ay nakikitang indikasyon ng mas malawak na digital access at shifting cultural habits ng mga Pilipino. Gayunpaman, nananatiling paalala ng mga eksperto na ang paggamit ng adult platforms ay dapat may kasamang responsibilidad at tamang pag-iingat, lalo na sa usapin ng privacy at digital safety.
