Discurso de PH
Traduce el sitio web a tu idioma:

Heart Evangelista nilinaw: ‘May prenup ako, hiwalay ang ari-arian namin ni Chiz’

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-09-24 20:23:43 Heart Evangelista nilinaw: ‘May prenup ako, hiwalay ang ari-arian namin ni Chiz’

MAYNILA — Mariing pinabulaanan ni Kapuso actress at businesswoman Heart Evangelista ang mga kumakalat na espekulasyon sa social media kaugnay ng kanyang mga ari-arian, at nilinaw na mayroon silang pre-nuptial agreement ng kanyang asawa na si Senador Francis “Chiz” Escudero.


Sa isang Instagram Live nitong linggo, inihayag ni Heart na matagal na niyang pinaghirapan ang kanyang mga naipundar mula pa noong siya’y 13 anyos nang pumasok sa showbiz. Iginiit niya na ang lahat ng kanyang yaman at kinikita mula sa endorsements, pag-arte, at fashion events ay kanya lamang.


 “What is mine is mine, what is his is his,” ani Evangelista. “We have complete separation of assets.”


Ayon kay Heart, ang yumaong Senadora Miriam Defensor Santiago, na tumulong sa kanya sa mga kontrata noong nagsisimula pa lamang siya, ang nag-udyok na magpatupad siya ng prenup bago ang kanyang kasal kay Escudero.


Binatikos ng aktres ang mga komento sa social media na nagbaba sa kanyang pagkatao at pagsisikap bilang artista at negosyante. Aniya, hindi dapat mabura ang kanyang halos tatlong dekadang trabaho at sakripisyo dahil lamang sa pagiging asawa ng isang politiko.


 “Your hard work is diminished… all of a sudden nothing just because you are now a mere political wife,” dagdag niya.


Bukod dito, inanunsyo rin ni Heart na nakikipag-ugnayan na siya sa kanyang mga abogado upang magsampa ng kaso laban sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon laban sa kanya.


 “Ako pa yung naging casualty, ako pa yung naging political tool of entertainment,” pahayag ng aktres.


Nanindigan si Heart na wala siyang nilabag na batas at lahat ng kanyang pera ay malinis na bunga ng kanyang sariling pinaghirapan.