Diskurso PH
Translate the website into your language:

DOH: Walang face mask mandate kahit tumataas ang flu cases

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-10-21 15:23:35 DOH: Walang face mask mandate kahit tumataas ang flu cases

MANILA — Sa kabila ng pagtaas ng mga kaso ng influenza-like illnesses (ILI) sa ilang bahagi ng bansa, iginiit ng Department of Health (DOH) na wala pang pangangailangan para gawing mandatory ang pagsusuot ng face mask sa Metro Manila at mga karatig-lugar.

Ayon kay DOH Spokesperson at Assistant Secretary Albert Domingo, “Not yet. What we look at when we’re thinking of a mandate is the increase of severe hospitalization. We also see if the ICUs are congested, and we haven’t seen anything like that”.

Ang pahayag ay kasunod ng desisyon ng lalawigan ng Quezon na ipatupad muli ang mandatory mask-wearing sa mga pampublikong lugar dahil sa pagtaas ng kaso ng trangkaso at iba pang respiratory infections. Nilinaw ng DOH na may kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan, sa ilalim ng Republic Act No. 11332, na magpatupad ng mga hakbang pangkalusugan batay sa lokal na pangangailangan.

Dagdag pa ni Domingo, “Our advice remains the same: it is the flu season, and to help prevent spread, it is good public health practice to keep hands clean, wear face masks when with symptoms or to protect yourself, be vaccinated, cover coughs, eat healthy diets, exercise, avoid smoking/vaping and drinking, and have adequate rest”.

Nilinaw rin ng DOH na walang bagong virus strain na umiikot sa bansa, kundi karaniwang seasonal flu lamang ang sanhi ng mga kasalukuyang sintomas sa mga pasyente.