Diskurso PH
Translate the website into your language:

Ilang estudyante sa Bicol University, isinugod sa pagamutan matapos ang insidente ng hyperventilation sa ‘BU Hataw 2025’

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-10-21 23:27:33 Ilang estudyante sa Bicol University, isinugod sa pagamutan matapos ang insidente ng hyperventilation sa ‘BU Hataw 2025’

LEGAZPI CITY, ALBAY — Ilang estudyante ng Bicol University (BU) ang agad na inilikas at dinala sa pagamutan matapos makaranas ng hyperventilation at hirap sa paghinga sa gitna ng kanilang BU Hataw 2025 performance sa BU Grandstand nitong gabi ng Oktubre 20.

Ayon sa mga ulat, nag-ugat ang insidente sa umano’y pagkalanghap ng usok mula sa mga smoke bomb na ginamit bilang bahagi ng palabas. Matapos ang insidente, kaagad na rumesponde ang mga medical team at ambulansya upang mabigyan ng paunang lunas ang mga apektadong estudyante.

Ang mga nasabing estudyante ay dinala sa ground floor ng BU Library kung saan sila sumailalim sa medical assessment at paggamot. Sa ngayon, wala pang ulat ng malubhang pinsala ngunit patuloy na mino-monitor ng unibersidad at ng mga awtoridad ang kanilang kalagayan.

Nagpahayag naman ang administrasyon ng Bicol University na magsasagawa sila ng imbestigasyon upang maiwasan ang pag-uulit ng ganitong insidente sa mga susunod na aktibidad ng paaralan. (Larawan: BicoldotPh / Facebook)