Diskurso PH
Translate the website into your language:

Aljur Abrenica, rumespeto na lang sa pahayag ni Jeric Raval tungkol sa umano’y anak nila ni AJ Raval

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-10-15 20:50:58 Aljur Abrenica, rumespeto na lang sa pahayag ni Jeric Raval tungkol sa umano’y anak nila ni AJ Raval

Oktubre 15, 2025 – Sa gitna ng kontrobersyal na pahayag ni veteran actor Jeric Raval na umano’y may mga anak na sina AJ Raval at Aljur Abrenica, pinili ng aktor na manatiling kalmado at magbigay ng mahinahong tugon.


Sa panayam, sinabi ni Aljur na nirerespeto niya ang ama ni AJ at nauunawaan ang intensyon nito, ngunit mas pinili niyang huwag munang pag-usapan ang isyu sa ngayon.


 “Si father Jeric, tatay ’yan eh. He always sees what is good for everyone, tama lang iyon. Para sa akin, for now, I cannot talk about it personally. I am not yet comfortable. As an individual, I prayed for it. Nakita ko, huwag muna. Everything will be unveiled in time, sa susunod,” pahayag ni Aljur.


Matapos mapuna ang “slip of the tongue” ni Jeric, sinabi ni Aljur na walang sama ng loob sa pagitan nila at patuloy niyang tinitingnan ang sitwasyon nang may pag-unawa.


 “Tatay din ’yun eh. I have big respect for him. Alam n’yo ’yung complication sa mag-ama minsan kasi di natin nakikita. Sometimes kasi, mas matanda sila sa atin, they see things we do not see,” aniya.


Inamin din ni Aljur na hindi naging madali ang kanilang relasyon ni AJ, ngunit nananatiling matatag sila sa kabila ng mga pagsubok.

 “Wala naman perpekto — that’s what I love about it. Pag smooth na ’yan, nothing to learn. Sa biyahe namin ni AJ, what I’m proud and happy to say is walang bumitaw,” sabi ng aktor.


Bukod dito, ibinahagi rin ni Aljur na maayos ang kanilang co-parenting setup ng dating asawang si Kylie Padilla para sa kanilang mga anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.


 “Goods talaga with Kylie. OK na OK kami, we have constant communication. Napag-uusapan namin updates sa bata, kamusta sila. Pag-aaral nila, especially sa iPad and gadgets. Di ko kaya mag-isa. Di niya rin kaya mag-isa. Naba-balance namin,” paliwanag niya.


Sa huli, nag-iwan si Aljur ng mensaheng puno ng pananampalataya at pasasalamat:

 “Sa buhay, walang madali. But as long as you do it with Him and His guidance.”