Discurso de PH
Traduce el sitio web a tu idioma:

Sikat na content creator na si Whamos Cruz at Antonette Gail, magkakaroon na ng second baby!

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-13 23:40:52 Sikat na content creator na si Whamos Cruz at Antonette Gail, magkakaroon na ng second baby!

MANILA — Masayang ibinahagi nina Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario ang magandang balita sa kanilang mga tagasuporta — inaasahan na nila ang pagdating ng kanilang ikalawang anak! 

Sa social media post ni Antonette, makikita ang kanilang family photoshoot na kuha ng The Baby Village Studio. Sa mga larawan, kasama nila ang kanilang panganay na si Meteor, habang hawak-hawak ang isang sonogram bilang tanda ng parating na bagong miyembro ng kanilang pamilya.

May temang mainit at intimate ang photoshoot, na nagpapakita ng tunay na kagalakan ng mag-asawa. Kalakip ng mga larawan, ibinahagi ni Antonette ang kanyang damdamin sa caption: “From three to four — our little family just got bigger.”

Agad namang bumuhos ang pagbati at well-wishes mula sa kanilang mga fans at netizens. Marami ang natuwa para sa magkasintahan at nagkomento kung gaano ka-cute at ka-inspiring ang kanilang lumalaking pamilya.

Patuloy pa ring ibinabahagi nina Whamos at Antonette ang kanilang journey bilang magulang, kaya’t inaasahang mas marami pang masasayang updates ang ipapakita nila habang hinihintay ang kanilang bagong baby. (Larawan: Antonette Gail / Fb)