BingX, Nanguna sa Web3 AI: 3M Gumagamit at $80B Copy Trading sa Q3 2025
Gaspé G. Umbac Ipinost noong 2025-10-29 17:19:51
PANAMA CITY, Oktubre 23, 2025 — Patuloy na pinatitibay ng BingX, isang nangungunang cryptocurrency exchange at Web3 AI company, ang posisyon nito bilang isa sa mga pinakapinagkakatiwalaang plataporma sa industriya ng digital finance. Sa ulat nito para sa ikatlong kuwarter ng 2025, ibinahagi ng kumpanya ang makabuluhang paglago sa larangan ng AI innovation, seguridad, at edukasyon sa crypto trading.
Ayon sa CoinGecko Q3 Crypto Industry Report, naitala ang pinakamataas na perpetual futures trading volume sa kasaysayan ng mga centralized exchanges (CEX), at kabilang ang BingX sa mga nangungunang tagapagpatakbo.
Isa sa mga tampok ng ulat ay ang copy trading volume na lumampas sa $80 bilyon, kalakip ng higit 700 milyong copy orders sa pagtatapos ng ikatlong kuwarter. Sa programang ito, mahigit 40,000 elite traders ang kumikita ng hanggang 32% komisyon, bukod pa sa mga benepisyong tulad ng fixed base salary at mga propesyonal na tool mula sa multi-milyong dolyar na Copy Trader Program ng BingX.
Sa larangan naman ng artificial intelligence, umabot sa 3 milyong maagang gumagamit ang BingX AI, na nakapagtala ng mahigit 30 milyong natugunang query sa pamamagitan ng BingX AI Bingo at BingX AI Master. Ang mga ito ay nag-aalok ng real-time insights, personalized trading strategies, at adaptive tools na tumutugon sa mabilis na pagbabago ng merkado.
Hindi rin nagpahuli ang BingX sa usapin ng seguridad. Sa parehong kuwarter, nakuha ng kumpanya ang PCI DSS v4.0.1 at ISO 27001 certifications — dalawang internasyonal na pamantayan para sa ligtas na pagproseso ng impormasyon at bayarin.
Kasabay nito, inilunsad din ng BingX VIP ang bagong bersyon nito na may mga eksklusibong benepisyo gaya ng discounted fiat exchange rates, zero-fee guaranteed price orders, zero slippage trigger orders, liquidation insurance, at 13% APR wealth management product para sa mga unang VIP members. Bawat miyembro ay binibigyan din ng dedicated relationship manager para sa concierge-style support.
Sa aspeto ng edukasyon, inilunsad ang BingX Academy 2.0, na may bagong intuitive interface, mas maraming tutorials, at mga AI-powered learning pathways. Layunin nitong bigyan ng kakayahan ang mga baguhan at eksperto sa larangan ng DeFi, Web3, at risk management upang mas maunawaan ang digital finance at makilahok nang responsable.
Ayon kay Vivien Lin, Chief Product Officer ng BingX:
“Ang ikatlong kuwarter ay hindi lamang panahon ng inobasyon para sa BingX, kundi panahon ng layunin. Pinaigting namin ang paggamit ng AI, pinahusay ang transparency sa trading, at naglunsad ng mga kasangkapang nagbibigay tiwala at kakayahan sa aming mga gumagamit. Nananatiling malinaw ang aming misyon — gawing mas matalino, makatao, at konektado sa tunay na halaga ang digital finance.”
Mula nang itatag noong 2018, ang BingX ay nagsilbi na sa mahigit 20 milyong gumagamit sa buong mundo. Nag-aalok ito ng malawak na hanay ng mga AI-powered services kabilang ang derivatives, spot trading, at copy trading. Noong 2024, naging opisyal na crypto exchange partner ng Chelsea Football Club, isang makasaysayang hakbang para sa pagpasok ng kumpanya sa mundo ng sports sponsorship.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang https://bingx.com o makipag-ugnayan sa media@bingx.com.
