Diskurso PH
Translate the website into your language:

‘Corruption must finally end’ — Catholic Bishop

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-12-14 23:39:58 ‘Corruption must finally end’ — Catholic Bishop

MANILA — Mariing nanawagan si Diocese of San Carlos Bishop Gerardo Alminaza para sa agarang pagpasa ng panukalang anti-political dynasty law, na aniya’y isang mahalagang hakbang upang tuluyang wakasan ang malalim at matagal nang suliranin ng korapsyon sa bansa.

Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Bishop Alminaza na ang patuloy na pamamayagpag ng iilang pamilya sa politika ay nagpapahina sa demokrasya at humahadlang sa tunay na reporma sa pamahalaan. “Some clans have dominated politics for decades. Yet even newer politicians in national leadership seem to quickly expand their reach through the election or appointment of their relatives,” ayon sa obispo.

Si Bishop Alminaza ay kasalukuyang chair ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Episcopal Commission on Social Action–Justice and Peace, at matagal nang nagsusulong ng good governance, social justice, at pananagutan sa pamahalaan. Ayon sa kanya, ang political dynasties ay nagiging daan upang manatili sa kapangyarihan ang iisang grupo, na kadalasan ay nagreresulta sa pang-aabuso, kakulangan ng transparency, at paglala ng korapsyon.

Hinikayat din ng obispo ang mamamayang Pilipino na maging mapanuri at huwag magpaloko sa mga pamilyang paulit-ulit lamang nagpapalit ng posisyon sa loob ng gobyerno. Aniya, mahalaga ang papel ng mga botante sa pagbabago ng sistema, lalo na sa nalalapit at mga susunod pang halalan.

“Ang tunay na demokrasya ay nagbibigay ng pantay na pagkakataon sa lahat, hindi lamang sa mga may apelyidong kilala,” dagdag pa ni Bishop Alminaza. Giit niya, ang pagpasa ng anti-dynasty law ay hindi laban sa pamilya, kundi laban sa sistemang nagkukulong sa kapangyarihan at naglilimita sa boses ng taumbayan. Sa gitna ng patuloy na panawagan para sa reporma, umaasa ang simbahan at mga sektor ng lipunan na kikilos ang Kongreso upang tuparin ang matagal nang probisyon ng Konstitusyon laban sa political dynasties at tuluyang wakasan ang kulturang nagpapahintulot sa korapsyon na magpatuloy. (Larawan: CBC News / Google)