Diskurso PH
Translate the website into your language:

Babae, 4 taon nagdusa sa botched nose job! Raffy Tulfo tumulong

Margret Dianne FerminIpinost noong 2025-09-06 20:25:57 Babae, 4 taon nagdusa sa botched nose job! Raffy Tulfo tumulong

MANILA — Isang botched nose job ang naging dahilan ng matinding pagdurusa para kay Lovely Feb Mendoza, isang ina na apat na taon nang hindi makapagtrabaho at halos hindi na makalabas ng bahay dahil sa kahihiyan. Noong Oktubre 2021, nagpagawa si Lovely ng Gore-Tex rhinoplasty with ear cartilage kay Dr. Edmund Syjueco, isang plastic surgeon na nakita niya sa social media.

Ayon kay Lovely, nagkakahalaga ng ₱52,000 ang naturang operasyon. Ngunit imbes na bumuti ang resulta, apat na beses na siyang sumailalim sa nose revision procedures, at lalo lamang daw lumala ang kondisyon ng kanyang ilong. “Lalong nagkadurog-durog ang ilong ko, hirap na rin akong huminga,” aniya sa kanyang panayam sa programang Raffy Tulfo in Action (RTIA).

Sa kanyang pag-iyak habang kinakausap si Sen. Raffy Tulfo, sinabi ni Lovely: “Hindi ko na po alam ang gagawin ko. Nawalan na ako ng tiwala na maaayos pa ni Dr. Syjueco ang ilong ko.” Dahil dito, minarapat niyang humingi ng tulong sa RTIA.

Tinawagan ng RTIA team si Dr. Syjueco upang kunin ang kanyang panig, ngunit tumanggi itong magsalita. Gayunpaman, nangako siyang irerefund ang buong halaga ng operasyon.

Bilang tugon, pinayuhan ni Sen. Tulfo si Lovely na magpa-assess sa ibang mas certified na doktor. “Ipaayos mo na lang sa ibang doktor, sagot ko na ang gastos,” pangako ni Idol, na ikinatuwa at ikinaiyak ni Lovely.

Agad ding tinawagan ni Sen. Tulfo si Dr. Pacifico Cruz, isang kilalang plastic surgeon, upang ipa-assess ang kalagayan ni Lovely. Ayon kay Dr. Cruz, “Kailangan ko siyang makita ng personal para malaman ang susunod na hakbang.” Sasamahan ng RTIA team si Lovely sa clinic ni Dr. Cruz para sa initial check-up.

Sa huli, nangako si Sen. Tulfo na sasagutin niya ang buong nose operation ni Lovely. Sa puntong ito, hindi na napigilang mapaiyak si Lovely habang taos-pusong nagpapasalamat kay Idol.

Larawan mula sa Raffy Tulfo in Action