Diskurso PH
Translate the website into your language:

TWICE, bumida sa Victoria’s Secret Fashion Show 2025! Nayeon, Jihyo, Tzuyu, at Momo, pasabog sa pink carpet

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-10-17 17:23:46 TWICE, bumida sa Victoria’s Secret Fashion Show 2025! Nayeon, Jihyo, Tzuyu, at Momo, pasabog sa pink carpet

Oktubre 17, 2025 – Bonggang-bongga ang naging appearance ng apat na miyembro ng TWICE — sina Nayeon, Jihyo, Tzuyu, at Momo — sa ginanap na Victoria’s Secret Fashion Show 2025 sa New York City! Sila ang unang K-pop girl group na nag-perform sa iconic na fashion event, kaya hindi nakapagtataka kung bakit trending agad ang kanilang mga larawan at videos online.


Dumating ang apat sa pink carpet suot ang kani-kanilang black and white ensembles na parehong classy at fierce. Si Tzuyu ay tumingkad sa kanyang white cutout gown, habang sina Nayeon, Jihyo, at Momo naman ay naglaro sa mga eleganteng itim na outfit na may halong lace, sheer, at sleek tailoring. Standout si Jihyo sa kanyang daring lace look, si Nayeon sa modern cutout dress, at si Momo sa kanyang chic three-piece suit — girl crush energy talaga!


Sa mismong runway, nagsuot naman ang TWICE girls ng black and pink lingerie-inspired outfits, perfectly in sync sa Victoria’s Secret aesthetic habang nagpe-perform ng isang espesyal na number. Kahit apat lang silang nakapunta, ramdam pa rin ng ONCEs (TWICE fans) ang presence ng buong grupo.


Ayon kay Jihyo, sa isang interview sa pink carpet, sanay silang siyam na magkakasama pero excited silang magbigay ng kakaibang performance kahit apat lang sila this time. “We’re used to performing as nine, but we hope everyone enjoys seeing this new side of us,” ani ng singer.


Kasama rin sa lineup ng mga performers sina Karol G, Madison Beer, at Missy Elliott, na nagbigay ng all-female powerhouse show ngayong taon. Sa fashion side naman, rumampa ang ilang VS legends tulad nina Adriana Lima at Candice Swanepoel, kasama ang bagong generation ng models gaya nina Yumi Nu at Paloma Elsesser.


Ang appearance ng TWICE sa Victoria’s Secret Fashion Show ay bahagi ng kanilang global domination, kasabay ng kanilang ongoing This Is For World Tour na magpapatuloy sa North America at Europe sa 2026.


Hindi rin nagpahuli ang mga netizens sa papuri — karamihan ay humanga sa confidence, elegance, at stage presence ng grupo. May mga nagsabing “K-pop meets VS Angels” daw ang vibes, habang ang iba naman ay nagkomento na “visuals pa lang, sold na!”


 From Seoul to New York, TWICE proves once again they’re not just global pop stars — they’re fashionicons, too!