Discurso de PH
Traduce el sitio web a tu idioma:

Victor Consunji highlights 20-year bond with Rachel Carrasco, netizens react

Gerald Ericka SeverinoIpinost noong 2025-09-18 16:53:30 Victor Consunji highlights 20-year bond with Rachel Carrasco, netizens react

MANILA — Nagbahagi si Victor Consunji, founder ng Victor Consunji Development Corporation at estranged husband ng dating beauty queen Maggie Wilson, ng espesyal na mensahe para sa ka-partner niyang si Rachel Carrasco sa kaarawan nito nitong Miyerkules, Setyembre 17.


Sa kanyang Instagram post, binanggit ni Consunji na 20 taon na nilang magkakilala ni Carrasco, mula sa kaarawan niya noong 18 taong gulang hanggang sa kasalukuyan. Idinetalye niya kung paano umusbong ang kanilang relasyon mula sa pagkakaibigan hanggang sa pagiging “soulmate” at pamilya.


“20 of the best years to today, that I’ve known you… unconditionally loving… yet strong minded and firm. From your 18th birthday to your birthday today… 20 YEARS of driving me crazy in all the right ways. And I’m asking you for a lifetime more. HAPPY BIRTHDAY my love,” bahagi ng post ni Consunji.


Nag-react ang ilang netizens sa post. May nagtanong tungkol sa timeline ng relasyon ni Consunji at Rachel, na ikinumpara sa kanyang unang asawa na si Maggie Wilson, na nakasal siya noong 2010. “So meaning mas matagal mo na sya kilala kesa sa ex wife mo? Just asking well anyway happy bday,” ani isang netizen.


Mayroon ding mga netizens na nagbigay ng suporta sa mag-partner. “20 years of crossing paths, and now a lifetime of love. Truly, love writes the best stories. Happiest birthday, Miss Rachel!” sabi ng isa. Dagdag pa ng iba: “Such a heartfelt loving message to your wife. Send our greetings to Rach. Happy Birthday!”


Si Rachel Carrasco ay co-founder ng isang gourmet food and beverage business. Mas naging bukas ang mag-partner tungkol sa kanilang relasyon simula noong 2024. Noong Oktubre 2024, ipinaliwanag ni Carrasco sa entertainment press na pinili niyang ipagpatuloy ang relasyon sa kabila ng kontrobersiya, at nanatiling maayos ang kanyang ugnayan sa dating asawa.


Si Victor Consunji ay hiwalay kay Maggie Wilson mula 2019. Matatandaang noong 2022, idinemanda ni Consunji si Wilson sa kasong adultery. Noong 2023, naglabas siya ng pahayag tungkol sa umano’y 3 arrest warrants para sa adultery at 16 para sa cyberlibel laban kay Wilson, na may kaugnayan sa diumano’y “malicious online attacks” laban sa kanya at kay Carrasco.


Noong Hulyo 2025, sinabi ni Maggie Wilson sa publiko na wala na siyang sama ng loob kay Victor at kay Rachel, at nananatili na siyang maayos sa bagong buhay abroad.

Larawan mula sa Instagram