Discurso de PH
Traduce el sitio web a tu idioma:

Keir Starmer, kinumbinsi na kanselahin ang state visit ni Donald Trump sa UK

Robel A. AlmoguerraIpinost noong 2025-09-10 01:31:56 Keir Starmer, kinumbinsi na kanselahin ang state visit ni Donald Trump sa UK


UNITED KINGDOM — Hinaharap ni Prime Minister Keir Starmer ang panawagan mula sa Fire Brigades Union (FBU) na kanselahin ang inaasahang state visit ni dating US President Donald Trump sa United Kingdom.

Ayon sa unyon, ang pagbisita ni Trump ay magdudulot ng malaking pressure sa mga bumbero, dahil kailangan nilang ideploy sa Chequers, opisyal na tirahan ng PM sa Buckinghamshire, para sa seguridad at logistik ng bisita. Binanggit ng FBU na ang bisita ay nagaganap sa panahong ang serbisyo ng bumbero ay “stretched to breaking point” dahil sa budget cuts at sunog sa kagubatan. May ulat rin na nag-alok ang Buckinghamshire Fire and Rescue Service ng overtime sa mga kawani para sa nakatakdang pagbisita.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni FBU General Secretary Steve Wright: “Donald Trump is a toxic, authoritarian billionaire who has waged a war on workers and the living standards of ordinary Americans, and enacted a brutal, racist anti-migrant policy at odds with basic humanitarian values. Rolling out the red carpet for him with an unprecedented second state visit was always a shocking move for a Labour Government. Now we learn that fire cover may be compromised to accommodate it. This could hamper response times and public safety. Keir Starmer must cancel this state visit.”

Ayon sa unyon, ang seguridad ng publiko ay maaaring malagay sa panganib kung ipagpapatuloy ang pagbisita, dahil maaaring maapektuhan ang response time sa mga emergency. Sa kasalukuyan, wala pang pahayag si Starmer ukol sa hinihinging pagkansela ng state visit. (Larawan: Wikipedia / Google)